Pulitika nga ba?

March 5, 2006

Maraming nagsasabi pulitika daw ang ugat ng problema ng lipunang Pilipino, they say “too much politicking slows down the growth”, ito rin daw ang dahilan kung bakit di nakakarating ang batayang serbisyo sa mamamayan.

I would agree na isa siya sa problema, pero hindi ang ugat ng mga suliranin natin. Kung susuriin nating mabuti, tao ang may kasalanan nito, tao na pinapayagan ng sistemang magsamantala. The system is not working for our common good, ang sistema ang nagbibigay kat’wiran upang manalasa sa atin ang hagupit ng pulitika.

Ang sistema ang hindi nagtutulak ng pag-unlad.

Advertisements

Unicameral Government?

March 1, 2006

Napatigil ako sa sa pagkain ko habang pinapanood ang debate sa kongreso kaugnay ng House Resolution 1169. The resolution will provide protective custody by the House to the 6 party-list representatives (i.e. Rep. Satur Ocampo, Rep. Teddy Casiño, Rep. Rafael Mariano, Rep. Liza Masa & Rep. Crispin Beltran) being charge with rebellion.

Rep. Satur Ocampo reiterated their right for Preliminary Investigation, but what catches my attention was the [part of the] speech given by Makati Representative Teddy “Boy” Locsin,

“Your duty Mr. Speaker is not to negotiate the surrender of this House. Your duty Mr. Speaker is to defend the integrity & independence of this House. [itilized mine]

Alam naman natin na sunod-sunuran kay GMA si Pong Pagong [diba kamukha ni JDV si Pong], with his eye focused on the Presidency [or Prime Minister kung mababago ang Constitution], he will do anything to please the Palace.

But that’s not how the system must work, even in time of National Emergency, the autonomy of the Congress & the Judiciary must remain, thus the immunity from suit of any member of the House [both Congress] must remain and must be respected.

For God’s sake, we are not a Unicameral Government, ang alam ko hindi pa inaamin ni GMA na diktador siya. Let us enjoy the little democratic space that we [still] have.


Panahon na ng Paghihiganti

February 28, 2006

Eto na ang pinananabikang bahagi ng telenovela ng Pilipinas, matapos api-apihin ang pangunahing tauhan, nariyang tawaging pandak, mandaraya, magnanakaw at pagtangkaang alisin sa kanyang poder. Panahon na ng paghihiganti. Unang nakatikim ng lupit ng kanyang paghihiganti ang 16 na pangunahing tauhan, lahat sila’y gumanap ng malaking bahagi sa pangungutya, paglibak at pagtatangkang agawin ang kanyang kaharian. Sa isang kumpas ng kanyang makapangyarihang pluma, matamang tumalima ang mga tapat na alagad at isinakatuparan ang matagal ng nakaplanong paghihiganti.

Sa isang banda, may isang tauhang naghahangad din ng kanyang panahon ng paghihiganti. Ang dating may-ari ng poder na kanyang pinangangalagang huwag maagaw. Ang taong noon ay pinalayas n’ya katulong ang ngayo’y mga tumutuligsa sa kanya. Kailangan n’yang mabawi ang kanyang kaharian, karangalan at malinis na pangalan.

Saan hahantong ang k’wento ng ating buhay? Saan pupulutin ang mga mamamayan kung hindi matatapos ang gulong ng walang katapusang paghihiganti? Sino ang magwawagi? Sino ang matatala?

Isa lang ang palagiang tinatamaan ng lupit ng ganitong pagkakataon, mga taong walang mailagay na pagkain sa kanilang sikmura, mga taong walang pagkakataong gamitin ang kanilang lakas upang itulak ang ekonomiya ng bansa, mga taong kailangan lamang upang itaboy ang sa tingin nila’y kontra-bida sa teleseryeng ito.


Replay na Lang

February 27, 2006

Kung susuriin nating mabuti, paikot-ikot na lang ang kaguluhang pulitikal sa ating bansa. Wala namang bago diba? Maaring ibang personalidad na ang gumaganap, pero parehong istorya din lang. Parang telenovela, bagong artista, lumang istorya.

Maraming nagsasabi, “madaling makalimot ang mga Pinoy,” tama kayang pagsusuri yan? O baka naman katulad din ng pagtangkilik natin sa mga telenovela, nasisiyahan na rin tayo sa paulit-ulit na cycle ng kaguluhan sa ating bansa. Katulad din ng mga salamangkero ng telebisyon (at iba pang sangay ng media), nagagawa tayong paikutin ng mga salamangkero ng ating pamahalaan.

Kailan kaya malalagyan ng bagong flavor ang ating bansa? Baka gawin din lamang na parang koreanovela, bagong mukha, parehas pa rin ang kwento. Ang lasang hinahanap ko ay lasang makapagpapa-bago ng lubusan sa ating pananaw at paninindigan.


Philippine Media Under Fire

February 26, 2006

First it was the rallies, then the personalities [Randy David et.al., Ka Bel, Ka Satur, Gen. Montaño, etc.], now it’s the media that is being attacked. All in the name of Proclamation no. 1071.

Press freedom is one of the fundamental pillars of democracy, let us not let this regime crushed our democracy. Let us support tha call of nujp‘s call for solidarity.


Fear Factor

February 26, 2006

I was not surprised when GMA declared the country under the “State of National Emergency”, I saw it coming. Neither Cory nor Erap tapped this life-saving option while they are under-going the threat of being evicted. Was it fear? What she is afraid of? Was the timing intentional?

GMA has posed to be a strong lady president, time and again she declared that she will not step down. Numerous controversies were thrown on her & her family, several coup attempts, people massed-up and staged big rallies, 10 Cabinet Members left her government in July 2005 & other instances did not shake her presidency. The only thing that she is afraid of is leaving the Palace early.


Bahala na Republic

February 26, 2006

The Philippines has been regarded as the first Republic in Asia. Since 1898, when the independence was declared [under the protection of the mighty North America], the republic was built, history would tell us that the Americans crushed the Republic before it’s take-off.

It’s always a bahala na attitude that’s governing our country. Bahala na ang kano sa rebolusyon, bahala na ang hapon sa mga kano, bahala na ang diyos sa atin, bahala na kayo sir sa amin.

Mabait ba tayo o sadyang tanga? These are the questions that keeps bothering me as a citizen. Now that the democracy that we fought 20 years ago is in danger, how should we react? Bahala na lang ba sila?