Sino po sa Kanila?

Itinuro n’yo po sa amin na sumunod sa mga namamahala. Itinuro n’yo rin pong maging masunurin sa pamamahala ng inyong simbahan. Subali’t sa kasalukuyan, magkabangga ang dalawang pwersang ito. Sino po ang dapat naming sundin?

Sa loob po ng inyong simbaha’y may magkabanggang pwersa, may nagsasabing kailangang pabagsakin ang kasalukuyang pamahalaan, mayroon din namang nagsasabing dapat itong suportahan. Kaninong panig po kami dapat sumama?

Sa panahong kapwa oposisyon at administrasyon ay nagsasabing sila ang tunay na tinig ng bayan. Sa panahong nahahati ang bayan dahil sa magkatunggaling pwersang ito. Sino po ang aming pakikinggan?

Ang militar na itinalaga upang maging tagapangalaga ng kapayapaan ay siya ring puno ng kaguluhan. Sino po ang mangangalaga sa amin?

Nang dahil sa tunggaliang ito, nananatiling walang laman ang aming tiyan, walang trabaho ang mamamayan, ang aming mga ina’y nag-aalaga ng anak ng iba sa ibayong dagat, ang aming mga ama ay lumalayo upang maghanap ng ikabubuhay, ang aming mga anak ay naiiwang walang gabay, ang aming mga kabataan ay di makapag-aral, ang aming mga manggagawa’y inaalisan ng karapatan, ang aming mga magsasaka’y inaagawan ng lupa, ang aming kalikasan unti-unting nasisira. Sino po ang magliligtas sa amin?

Kung ang landas na itinuro mo sa amin ay kapayapaan, katotohanan at pag-ibig, bakit hindi po namin ito nadaraanan? Paano po kami makakarating doon?

Advertisements

2 Responses to Sino po sa Kanila?

  1. melai says:

    ang sabi ng simbahan maging mapagtiis ka, magbata ng paghihirap ———- kakayanin mo ba?——-ibig sabihin magbingi-bingihan at mabulag-bulagan ——– pero noong panahon ni Kristo di ba kinalaban nya ang mga nasa taas, binuwis ang buhay nya ——–
    ngayon sino ang susundan mo ang simbahan o si Kristo?
    *ot*
    gusto ko ang site, astig at naiintindihan ko ang mga entry di ko kailangang maghanap ng dictionary lol!
    **
    salamat sa pagbisita sa manilenya 🙂

  2. melai says:

    uhmm!! parang kilala ko na me ari neto ha lol!pinagloloko ako neto sus!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: